m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community, kaplogan, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kantutan stories, pinoy gay stories, pinoy m2m stories, kwentong kalibugan, pantasya stories, pantasya collection, tagalog gay stories, gay filipino stories, top pinoy gay site, pinoy libog stories, gay pinoy, bakla sites, bading sites, pinoy gay porn, pinoy gay, pinoy gay scandals, m2m pinoy, pinoy gay movies, pinoy gay indie,

Monday, November 14, 2016

Grey Things (Part 2)

By: Grey Suzara

Wala kaming ginagawa sa huling klase namen dahil absent si Doraemon. Pero imbes na mag-practice ay nagkwentuhan na lang kami. Panay ang aya samen ni Maricar na mag-practice pero walang gustong maki-participate dahil bihira lang lumiban ang isa sa pinakamalupit naming guro. Oras ng aming kalayaan ngayon kaya walang pwedeng kumontra.
“Hoy, ano ba?! Wala bang gustong mag-practice sa inyo?” tanong ni Maricar sa lahat pero parang walang nakikinig. Ako man ay tinatamad, kaya kunyari ay hindi ko sya napapansin. May ilan kaming kaklase na lumapit sa kanya at nagtanong kung anong parte ba ng play ang dapat ensayuhin. Natuwa naman si gaga at nag-umpisang magpaliwanag sa mga ito.
Katabi ko sa upuan ang dalawa kong babaeng kaklase, dalawa sa grupo ng mga pinakamalalapit kong kaibigan dito sa school, at nakikipagkwentuhan. Sa gawing kaliwa ko si Kat at si Michell naman sa kanan. Nasa likuran namen ang mga kagrupo naming mga lalake na wala ring humpay sa daldalan.
“Hoy! Maricar, ang-ingay mo! Kanain kita eh, gusto ko pa naman yung ganyan, yung maingay.” Sabi ni Jason na pinakagago na yata sa buong eskwelahan.
“Isumbong kaya kita kay ma’am, ang-bastos mo!” Pagbabanta ni Maricar, natawa naman ang dalawa pang kakwentuhan ni Jason. Dahil na rin siguro sa takot kaya hindi na inulit ni Jason ang pang-uurat nito kay Maricar. Nagbulungan na lamang ang mga ito at patuloy na pinag-usapan ang walang kamalay-malay naming kaklase.
“Marunong na kayang bumi-j ‘yan si Maricar?” Tanong ng isa naming kaibigan na nasa gawing kaliwa ni Jason. Hindi ko nagets yung ‘bumi-j’ kaya naman nakinig ako sa usapan nila.
“Hahaha, malakas sumigaw eh, mukhang maluwag na ang lalamunan kaya malamang nyan nakasubo na yan ng malake.” Sagot ng lalake sa gawing kanan ni Jason.
        “Baka nga hahaha, pero mukha pa ring virgin eh. Anong gagawin nyo dyan kapag nagpatira yan saten?” tanong ni Jason sa dalawa.
        “Pag nagkataon, pingger saken yan tsaka ko yan titirahin.” Sagot ni Reggie, yung lalake na nasa gawing kanan ni Jason.

        “Ano ba yan! Hinaan nyo nga yung usapan nyo, rinig na rinig kayo eh. Ang-babastos ng bunganga nyo, itong si Reggie… Bwisit ka talaga eh noh! Tara nga Kat punta na lang tayo sa canteen.” Pagpuna ni Michell sa hindi kaaya ayang usapan.
        “Parang ano lang ah…” si Reggie,
        “Ano?! Parang ano?! Yang bunganga mo tigil tigilan mo ah.” Mukhang magkakaroon pa yata ng away mag-asawa. Magsyota silang dalawa kaya wag na lang pansinin. Well, kaming dalawa lang naman ni Jason ang single sa amin kaya yung apat pa naming kabarkada ay magkaka-partner na.
        “Tara punta na lang tayo ng canteen. Kaw Pau sasama ka ba?” singit ni Kat,
        “Di na, dito na lang ako. Kayo na lang,” sagot ko, pagkatapos ay tumayo na ang dalawang babae at lumabas ng classroom. Kami namang mga lalake ay nagpatuloy sa kwentuhan. Interesado talaga ako kaya naman nakinig akong mabuti.
        “Ano na? Anong gagawin naten pag nagpatira si Maricar?” pagpapatuloy ni Jason,
        “Sus! Pinag-uusapan pa ba yan? E ‘di tuhog lang ng tuhog para makarame.” Sabi ni Ian,
        “Kakabagot yun pre, dapat may konting pampainit bago labasan.” Kontra ni Reggie,
        “Kakainin ko muna yung talaba nyan, mukhang mabango eh tsaka amputi kasi ni Caca eh kaya mukhang malinis.” Si Jason, tsaka kami nagtawanan. “Tapos ipapabi-j ko junior ko hahahaha.”  Dugtong nya pa,
        “Ano ba yung bi-j?” tanong ko sa kanila,
        “Luh! ‘di mo alam yun?” si Ian,
        “Hindi eh, itatanong ko ba kung alam ko.”
        “Yung ano…” putol nya,
        “Ano?”
        “Chupa! Chupa ang tagalog nun, bakit ‘di ka pa ba nakakaranas chumupa?” pagsingit samen ni Jason,
        “Ah, hindi pa.” tumingin saken ng direcho si Jason,
        “Weh, imposible. Si King? ‘di mo pa na-chupa yun? E mukha na nga kayong magsyota nun, kunyari ka pa eh,”
        “Hoy ‘wag nyo ngang isinasali dito yung tao. Tsaka, hindi yun mangyayari samen, andudumi ng mga isip nyo. Hindi ko pa naranasan yun, at kung magkakaroon man, hindi kay King manggagaling ang experience ko.” Sabi ko sa kanila nang medyo makaramdam ako ng pagkainis dahil nasali si King sa usapan.
        “Simple lang, ilalabas pasok mo lang sa bibig mo yung tite.” Medyo nag-init ang pakiramdam ko nun kaya umayos ako ng pagkaka-upo. “Kung gusto mo chupain mo ‘ko para magkaroon ka na ng karanasan. Pero kung gusto mo kay King e, bahala ka hahaha.” Sabay hawak ni Jason sa harapan ng kanyang slacks kasunod ang malakas nilang tawanan.
        Hindi ako nakasagot, iniwasan ko ang tingin nya saken, medyo uminit kasi ang pakiramdam ko. Nagpatuloy lang sa kwentuhan ang tatlong barkada ko. Ako naman ay hindi na makapag-concentrate dahil bigla akong nailang sa kanila. Mukha kasing ako na ang pinupuntirya nilang asarin.       

“Hoy! Uwian na pero wala munang uuwi, kailangan na nating mabuo ito ngayong gabi at bukas na yung final practice naten. Please, wala nang magpapasaway para matapos na naten ‘to. ‘pag walang nangyari saten dito, siguradong bagsak na tayong lahat sa Filipino.” Kinuha ni Maricar ang atensyon ng lahat para ipaalala ang aming play.
        “San tayo magpa-practice?” tanong ng isa naming kaklase,
        “Sa Apocar na lang para malawak yung lugar naten.” Suhestyon ni Jason,
        “Oo nga dun na lang para walang sagabal.” Pagsang-ayon ng isa pang kaklase,
        “Pero san naman tayo makikisaksak ng sound system doon?” tanong ni Maricar.
        “Wag muna tayong gumamit ng sound system, tutal ‘di pa naman naten kumpleto eh. Ayusin na lang muna naten yung pagkakasunod-sunod ng events at mga linya. Bukas na lang tayo gumamit ng sound system kapag ok na.” sabi ko sa kanila at sinang-ayunan naman ako ng mga kaklase ko.
        “O sige sa Apocar na tayo, bilisan na naten para mahaba ang practice naten.” At nagkanya kanya na nga kami ng pagaayos tsaka naglabasan ng room. Naiwan kaming dalawa ni Maricar at iniabot ko rito ang mga natapos kong script, ito na yung nasa pinakahuling bahagi ng Noli.
        “Konti na lang pala matatapos na naten.” May ngiti nyang sambit,
        “Oo nga, pero alam mo medyo nakornihan ako dun sa bugbugan nila Donya Victorina, gawin mo na lang kayang simpleng away yun, nagmumukha kasing comedy eh, hindi bagay sa play. Tsaka, mas konti lang ang effort kapag ‘di masyadong magaslaw.” Suhestyon ko,
        “Wag na nating baguhin, hayaan mo na lang na ganun. Tsaka kakapusin pa tayo ng oras kapag may binago pa tayo. Ok na yun.” Sabi nya, hindi na ako nagsalita pa at sinangayunan ko na lang sya ng isang tango. Sabagay nga naman, tama sya dahil kung may babaguhin pa eh baka lalo pang gumulo yung play namen, magulo na nga sa paningin ko eh.

        Bumababa kami ng hagdan ni Maricar habang nag-uusap tungkol sa papractisin namen. Bitbit ko yung librong hiniram ko kay King. Maya maya pa ay may isang isang grupo ng mga first year ang nagtakbuhan sa hagdan at hindi sinasadyang  natabig yung libro. Okey lang sana kaso nakaldakad din ako. Hindi naman ako natumba, yun nga lang, natapilok ako pagbagsak ng isa kong paa sa sahig. Tatlong baitang pa ang pinaggalingan ko bago lumapat ang paa ko sa simento. Pakiramdam ko ay may kung anong hinugot sa loob ng bituka ko at napahigop ako ng hangin sa sobrang sakit.
        “Aray ko putcha naman oh!” Sigaw ko sa kanila,
        “Hoy! Mga tarantado talaga kayong mga first year kayo!!!” sigaw rin ni Maricar. Paika-ika akong naglakad upang hanapin yung libro ni King.
        “Patay ako neto, nasira na yata.” Nang Makita ko yung libro na nasa lupa at nakabuklat na para bang may napunit na page. Hindi ako nakalapit kaagad dun sa libro dahil talagang masakit yung paa ko, pero pinilit ko pa rin dahil baka matapakan na naman. Sayang, napaka-ayos pa naman ng pagkakabalot. Nagpatuloy ako sa papilay-pilay na paglalakad nang may biglang kumapit sa lukuran ko at inakay ako.
        “Anong nangyari sayo? Natapilok ka ba? Tss, ‘di kasi nag-iingat eh.” tanong ni King,
        “Nakaladkad ako ng mga first year eh, naghaharutan kasi sa hagdan.” Sagot ko sa kanya,
        “Mga pasaway talaga yang mga first year na yan!”
        “Pasaway talaga! Yung libro mo nga eh, ayon nalag-lag, sorry ah may napunit yatang page.” Sabi ko habang unti unti na kaming nakakalapit sa lugar kung saan nahulog yung libro. Nang makalapit na kami ay agad nya itong dinampot.
“Napunit nga, pero ‘di naman humiwalay. Lalagyan ko na lang ng tape.” Pinipilit nyang itago saken, pero kitang kita kong dismayado sya dahil hindi ko naingatan yung ipinahiram nya.
“Tss, bwisit kasing mga first year yun eh.” Sambit ko na lang sa aking sarili.
“Isosoli ko na dapat ‘yan sayo eh tapos ko na kasi, pasensya na talaga ‘di ko naman sinasadya yan eh.” Paghingi ko ng pasensya sa kanya,
“Alam ko namang hindi mo sinasadya eh. Kaso, sinadya man o hindi, napunit na at wala na tayong magagawa.”
“May magagawa pa dyan, pwede pang lagyan ng tape, ‘di ba sabi mo lalagayan mo ng tape? Akin na ako na lang ang mag-aayos tutal ako naman ang nanghiram eh.”
“Pero kahit na lagyan ng tape ‘to, kitang kita pa rin yung marka ng punit eh. Nasira na kasi, hindi na kayang ibalik sa dati.” Medyo nalulungkot ako sa sinasabi nya, parang galit sya pero ‘di nya ipinapahalata. Alam ko naman kasi kung gaano sya kaingat sa gamit eh. Lalo tuloy akong na-badtrip dun sa mga first year.
“Sorry na talaga ‘wag ka nang magalit.” Paghingi ko ulit ng tawad sa kanya.
“Hindi naman ako galit eh.”
“Eh, kasi hindi ko naingatan ‘yan.”
“Alam ko namang medyo hindi ka marunong mag-ingat eh. Kaya okey lang, pinaghandaan ko na ‘yan bago ko pa ipahiram ‘tong libro.”
“Yun na nga, alam kong dismayado ka saken kasi, ibinilin mo pa nga saking ingatan yan ‘di ba? Kaya nga sorry na.”
“Okey nga lang, ang kulit neto, hindi nga ako galit. Tsaka kahit anong paalala ang gawin ko para maingatan ang isang bagay, kung nakatakda namang masira, masisira pa rin.”
“Hindi ko na uulitin, pangako.”
“Wag mong sabihin ‘yan. Wag kang mangako ng isang bagay na hindi mo sigurado kung kaya mo bang panindigan. Mas malakas ang impact nun kapag nagkamali ka na naman. Kaya kung ako sayo iwasan mong mangako. Dahil kung mangangako ka saken, sigurado, aasahan ko ‘yun. May mga bagay na mas makabubuting hayaan na lang naten at tanggapin na lang kung anong magiging resulta. Kesa sa piliting maging perpekto ang isang bagay na masisira lang rin pala sa huli nang dahil sa isang disgrasya.”
“Jusko! Bitayin mo na lang ako King kesa ganyan ka saken. Sorry na talaga, ano bang pwede kong gawin para makalimutan na naten yang nangyari sa libro mo?” hindi ko talaga kinakaya, halatang halata kasi ang pagtatampo nya, yung tono pa lang ng pananalita nya, aynaku! Kung pwede lang ibalik ang oras, ipapasok ko talaga yung libro sa loob ng bag ko para safe na safe.
“Hehehe, baliw  ‘to, ‘di nga ako galit. Medyo nalungkot lang, alam mo naman ako pagdating sa gamit ‘di ba? Kaya nga may mga bagay na ayaw kong isugal eh, nakakatakot kasi ang magiging resulta.”
“Hindi naman palaging pareho ang mangyayari eh. Minsan talaga may mga nangyayaring hindi maganda. Ako nga eh, sa loob ng isang linggo palaging hindi magandang balita ang sumasalubong saken tuwing gigising ako.”
“Huh? Ano namang hindi magandang balita ang dumadating sayo?”
“Eto naman, bago ng bago? Alam mo namang masamang balita saken ang malamang may pasok tayo sa school kinabukasan, ganun yon. Pero masaya pa rin ako, kasi kahit na suntok sa buwan ang pagkakansela ng klase, lagi namang may Sabado at Linggo kaya hindi na masama. May natatanggap pa rin akong dalawang good news sa loob ng isang linggo kuha mo?”
“Oo na, hays. Hayaan na nga naten ‘tong libro na ‘to. Wala na rin namang mangyayari kahit pagsisihan ko pa. At-least napakinabangan mo naman ‘di ba, masaya nako dun.” Sabi nya na ikinatuwa ko naman.
“Oo nga, magagamit pa naman ‘yan eh. Hindi na nga lang kasing ganda nung una, pero nababasa pa rin naman ‘di ba? Pareho pa rin ng epekto sa utak ‘yan… . . . Nakaka-stress pa rin hahaha,” biro ko sa kanya at napatawa ko rin sya sa wakas.
“Sabagay tama ka, hahaha,”
“Pahihiramin mo pa rin ako ah,”
“Kahit nakakatakot na? Oo naman, kahit pa mapunit lahat ng libro at notebook ko, basta ‘wag mong sasadyain ah.”
“Kayo bang dalawa eh may balak pang bumalik dito? Mauuna na ako sa Apocar!” sigaw ni Maricar samen,
“Mauna ka na lang Ca, hindi ako makapaglakad ng maayos eh, baka naghihintay na yung mga yun doon.” Sabi ko,
“Anong gagawin nyo dun sa Apocar?” tanong ni King,
“Doon kami magpa-practice eh,” sagot ko,
“Ah, tara akayin na lang kita.”
“Aabutin kami ng gabi dun,” babala ko sa kanya,
“E ‘di hihintayin kita.”
“Ikaw bahala,” sabi ko, “sige na Ca, susunod na kami, mauna ka na.” Dugtong ko, at inalalayan nga ako ni King sa paglalakad hanggang sa makarating kami ng Apocar. Ang sarap damhin ng katawan nya habang naglalakad kami at nakaakbay ako sa kanya. Tuwing mapapaharap ang mukha nya sa mukha ko ay matindi ang ginagawa kong pagpipigil para halikan sya. Sana lang. Sana lang talaga.
Nakarating kami sa Apocar. Isa itong subdivision na open sa lahat. Walang gwardya kaya naman lahat ay pwedeng pumasok dito. Sa gitna nito kami magpapractice, sa isang basketball court. Medyo malayo ang pagitan ng mga kabahayan mula doon sa court kaya naman kahit mag-ingay kami ay walang magrereklamo. Maraming puno sa gilid nito at ang tanging mauupuan lang ay ang natibag na simentong bakod na nasa bungad nito. Yung kabilang parte kasi ng court na ito ay bakanteng lote na mayroong matataas na talahib. Dito namen napili dahil, presko at malawak. Walang pwedeng mangialam samen.

Inabot na ng gabi ang practice namen. Inaalala ko si King, dahil hindi sanay ang mga magulang nya na umuuwi sya ng gabi. Ilang beses na rin akong nasabihan ng nanay nya na bad influence, dahil nga kung ano anong natututunan nya saken na hindi nya naman normal na ginagawa. Ang totoo nyan, sa sobrang bait nyang tao eh hindi sya marunong magmura. Kaya ayon, para mabawasan ang kabaitan nya at ayaw ko naman syang kunin ni Lord ng maaga kaya tinuruan ko syang magmura. Pero hindi naman yun ganun katinding mura yung mga tipong: Putcha, gago, animal at nyeta (as in ‘nyeta’ lang talaga, hindi buong ‘punyeta’). Hindi ko itinuro sa kanya yung murang ‘Putangina’, dahil hindi na makatwiran yun para sa inosenteng katulad nya. Pero sa tingin ko ay naririnig nya rin yun sa iba at nagkaroon lang sya ng kalayaang banggitin ang mga ganoong lenggwahe nung maturuan ko sya. Natuwa lang talaga ako kaya ko sya tinuruan, dahil nung makilala ko lang sya ay tsaka ko lang nalaman na nage-exist pala ang mga taong katulad nya. Kaya ayon, simula nang makasama nya ako ay bawas na bawas na ang kabaitan nya. Hindi ako bad influence ah, konti lang.
“King, mauna ka na kayang umuwi, baka pagalitan ka na ng mama mo eh.” Sabi ko sa kanya habang nakaupo kami sa natibag na bakod.
“Okey lang hihintayin na lang kita.” Sagot nya saken, ang totoo ayaw ko pa talaga syang pauwiin kaso lang inaalala ko talaga ang mga magulang nya. Pero kung ako lang, gusto ko lang na nandito sya, ewan, para siguro makapagpasikat ako. Papa-cute lang baka sakaling effective.
Natapos ang parte ko sa play, sumunod naman yung iba pa. Umupo ako sa tabi ni King na nakaupo sa natibag na bakod na nasa ilalim ng punong mangga. Tinapik ko sya sa balikat,
“Wuy! Sabi ko sayo umuwi ka na eh, baka pagalitan ka na. Yari na naman ako nito sa mama mo eh.” Muli kong paalala sa kanya,
“Ang-kulit mo naman eh, sabi ko ngang hihintayin kita. Akong bahala dun kay mama ‘wag kang mag-alala.”
“Tss! Ikaw bahala ako naman ang kawawa.”

Inabot pa kami ng halos isang oras bago natapos ang practice. Nag-uwian na yung iba naming kaklase at ako naman ay may nililinaw kay Maricar tungkol sa play. Pagkatapos ay yayayain ko n asana si King na umuwi nang bigla naming sumingit si Reggie.
“Inuman tayo!” pagaaya nito samen,
“Haynaku ayan na naman sila, bahala kayo dyan, uuwi nako.” Sagot naman ni Maricar.
“Ca! Sali ka naman samen, para namang ‘di ka kabarkada nyan eh.” Pigil ni Jason,
“Tss, eh mag-iinuman kayo eh.”
“E ‘di wag kang uminom, basta dito ka lang.” pilit ni Jason,
 Hinayaan na lang namen umuwi ang mga gustong umuwi, maliban kay Maricar, hindi na kasi ito nakatanggi nang angklahan sya nina Michell at Katrina. Hanggang sa kaming magbabarkada na lamang ang naiwan. Yung dalawang pares ng love birds, si Jason, si Maricar, ako at si King. Bale walo kaming natira sa court.
“Wuy King! Hindi ka pwedeng uminom ah, yari talaga ako sa mama mo neto, tss.”
“Okey lang, wag ka ngang masyadong naga-alala. Sabing ako na ang bahala eh, ginagawa mo naman akong bata. Payagan mo na ako please, minsan lang naman eh” Sabay biglang pa-cute,
“Naloko na!”
“Oh! Ambagan na!” sambit ni Jason,
“Wala nakong pera.” Sabi ko sa kanila
“Sagot ko na si Paulo.” Prisinta ni King, medyo nahiya naman ako, eh ano nga ba naman kasing magagawa ko eh wala na nga akong pera. Balak ko na nga lang maglakad mamaya pag uwi eh.
Nagpumilit uminom si King, talagang naga-alala ako dahil siguradong ako na naman ang pagbibintangan ng nanay nya. Bad influence na naman ang labas ko neto.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This