m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community, kaplogan, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kantutan stories, pinoy gay stories, pinoy m2m stories, kwentong kalibugan, pantasya stories, pantasya collection, tagalog gay stories, gay filipino stories, top pinoy gay site, pinoy libog stories, gay pinoy, bakla sites, bading sites, pinoy gay porn, pinoy gay, pinoy gay scandals, m2m pinoy, pinoy gay movies, pinoy gay indie,

Wednesday, March 13, 2013

The Accidental Crossdresser (Part 1)

By: Rogue Mercado

Laoag City Ilocos Norte

“Black Scorpion” tawag sa akin ng isa sa mga staff ng Black Society.

Inangat ko naman ang aking ulo para tingnan ang bumulaga sa aking opisina. Siya si Angelo isa ring secret agent ng Black Society ngunit mas kilala ito sa pangalang Thorn Black.


Black Society is one of the top calibre secret agencies in the Philippines. It was founded by a retired Philippine Army General named Gustav Robredo but they call him Master Black. They were trained to investigate, to gather facts and when it’s necessary..... they are obliged to kill. Maraming pinagpipitagang mga tao ang kumukuha ng kanilang serbisyo sometimes due to the fact na hindi satisfied ang mga ito sa resulta ng kaso o may gusto silang pasubaybayan. Whenever the fight is not a cliche tulad ng nakikita sa mga corny na teleserye kung saan ang mahirap ay kalaban ng mayaman... Sa totoong buhay lahat maaring maging magkalaban, kahit mayaman pwedeng magpatayan. Iba-ibang kaso na ang idinulog sa kanila. A chop-chop victim who happens to be a daughter of a business tycoon. A suicide which turns out to be a premeditated murder. Hacking of computer files. Decoding the password of a Government database. Name it. Basta tama ang presyo ,the Black Agents will find a way.
Minsan naiisip ko na napaka-ironic ng pangalan ng aming sekta. We are situated in Laoag City, Ilocos Norte’s capital and the word itself which happens to be an Ilocano term means ‘sunrise’. Tinawag nga itong Sunshine City. Pero lingid sa kaalaman nila ay dito nagkakanlong ang itim na puwersang naging usap-usapan sa larangan ng krimen at detective arena.

Iilan lang ang nakaka-alam ng kinatitirikan ng kanilang establisyementong ito. Their building was erected in the epicenter of Laoag, katabi sila ng mga nagtatayugang landmarks at importanteng imprastraktura ng Ilocandia. On the eastern front of the building was the famous bell tower. Nasa likod naman ang SM Hypermarket and Provincial Capitol. Inaakala ng lahat na sila ay isang ordinaryong bookstore lamang. Their building carried the banner “Sirib” another Iloco term which means ‘knowledge’. It was a three storey building. Sa baba ay ang mga aklat na ibinebenta at ang second floor ay isa pang extension kung saan maaring magbasa ng mga aklat na available for reading purposes only. Sa ikatlong palapag ang kanilang opisina.


“Yes?” tanong ko kay Angelo


“Master is calling us” matipid na sagot nito sa kanya


“I’ll be there Thorn Black.” sagot ko rin sa kanya.


Its a must that they call one another by their aliases. Sa loob ng black society ay kailangan nilang pangatawanan ang sinumpaang tungkulin. Na isa silang secret agent at dapat nilang sundin ang kanilang master.


“Uy kape tayo mamaya paglabas?” basag ni Angelo sa aking pagmumuni-muni habang nilalakad namin ang hallway papunta sa opisina ni Master.


“Heto na naman tayo” naisip ko sa paanyaya ni Angelo sa akin. Once they are inside the building ay kailangan nilang humiwalay sa buhay nila sa labas. Walang magkaibigan. Walang magkakilala. Bawal ditong pagusapan ang paborito nilang pagkain, saan sila namasyal the last time at isang mortal na kasalanan ang makipagtsismisan patungkol sa walang kwentang bagay. Every word that should come out from their mouth should be work related. Golden Rule: If you dont make sense, better shut up. Angelo would be Black Thorn and I would be Black Scorpion.


“Black Thorn.” may awtoridad na saway ko sa kanya. Nakikita ko pa rin kasi sa mga mata nito ang pangungulit.


“Sorry.. My bad.. can we have a coffee later Black Scorpion”


At nagpantig na talaga ng tuluyan ang tainga ko.


“If you dont want to experience another life threatening disciplinary action, you better shut up”


“Gusto lang naman...”


“We are inside the office.. for God’s sake!”


“Sorry”


Tumahimik naman ito matapos ko siyang sigawan. Naririnig ko pa nga ang echo ng sigaw ko sa loob. Musika na kasi sa kanilang pandinig ang katahimikan. And anyone who distracts their equilibrium without valid reason deserves a capital punishment.


Buti na lamang at walang masyadong tao ang nakakita o nakarinig sa amin.


Angelo Castillo is one of my trusted colleague. Ilang misyon na rin ang dinaan nila. Aside from that, they both came from a boys town. Parehas silang hindi kilala ang magulang at parehas din silang kinupkop ng Black Master para sanayin at hubugin sa kung ano sila ngayon. Naaalala ko pa ang eksena noong mga panahong iyon.


“...Kaya dapat maligo kayong mabuti, dahil darating si General mamaya,  may dalawang kukunin sa inyo” wika sa kanila ng isang matandang dalaga na  nangangalaga sa bahay ampunan. Noong mga panahong iyon ay nasa edad lima siya at ganoon din si Angelo o Gelo kung tawagin niya sa palayaw nito noon.


Excited na lumapit sa kanya si Gelo at hinila nito ang kanyang mga kamay.


“Oh bakit?” naguguluhan niya dito na parang hindi mapakali.


“Ligo na tayo! Dali! hindi mo ba narinig yung sabi ni Mamang... Baka daw dumating yung General.. Diba pag General mayaman yun? Baka maraming pagkain sa kanila kaya ligo na tayo!!” walang kamuwang muwang na wika nito sa kanya.


“Ayoko... ikaw na lang..” lupaypay na wika ko sa kanya


“Bakit na naman???”


“Eh diba pag General, matatapang yung mga yun.. Baka mamaya bugbugin ako. Naalala mo ba yung kwento sa atin ni Cha-cha? May iba daw na inaampon tapos kinukuha yung laman loob ipinapalaman sa siopao!!!!”


“Ano ka ba pusa? Eh mas mukha ka pa ngang daga eh... ang liit liit mo tapos ang payatot mo pa”


“Basta.. ayoko”


Pero wala akong nagawa ng mga oras na iyon. Isa sa mga katangian ni Angelo na hinding hindi ko mabubura ay ang pagiging makulit at mapilit nito. Hindi ito tumatanggap ng “Hindi”.


Pinalinya kami sa labas na parang mga newbie sa isang fraternity. Suot ko ang paborito kong sando habang ang mukha ko ay parang espasol na ata sa sobrang pulbo na nilagay ni Angelo. Nang tangkain ko namang tingnan ang iba pang mga bata ay todo ang mga ngiti nito na parang handang-handa ng magpa-ampon sa tinaguriang General.


Maya-maya ay pumarada na ang kotse ng heneral sa harap ng bahay ampunan. Animo naman ay kinilig ang lahat sa pagdating ng inaasahang bisita. Ang magarang itim na kotse pa lamang nito ay sapat na para mageffort pa ang lahat na magpa cute oh magmukhang kaampon-ampon.


Lumabas sa isang kotse ang lalaking naka polong kulay itim. May salamin ito at singkit ang mga mata na parang sa Instik.


“Magandang umaga ho General, welcome po sa Sto. Domingo House” bati ng kanilang Mamang ng makalapit ang heneral.


“Magandang umaga rin” at bumaling ang heneral sa aming mga bata. “Kumusta kayo mga bata?”


“Magandang Umaga po sa inyo General Gustav Robredo” chorus na banggit nila  sa kanilang scripted na pagbati. Ilang beses yata nilang inulit ulit ang katagang iyon para lamang magsabay-sabay.


“Mabuti naman” mahinahon ngunit puno ng gulang na sagot nito sa kanila.


“Silang lahat na ba ito?” tanog muli ng Heneral sa kanilang Mamang.


“Opo silang lahat na iyan”


Bumaling muli sa kanila ang heneral. Ang dating singkit na mata nito ay mas lalo pang sumingkit ng lumapit sa kanila ng bahagya. Para silang isda na sinusuri kung  bilasa pa o polluted na ng Red tide. Iba-iba kasi ang edad nila. Yung iba ay  nalilipasan na rin  ng panahon at hindi yata bumenta sa mga mag-asawa o sinomang tao na gustong umampon.


Dalawang linya ang  binuo nila, nasa likod naman siya at katabi si Angelo. Nagpupumilit sana nga ito na sa unahan sila pumuwesto para daw sila yung magustuhan ng Heneral pero tinakot niya ito na papalahaw ng iyak pag pinilit pa siya nito. Buti na lang at pinagbigyan nito ang kanyang kahilingan.


Isa-isa nitong tiningnan ang mga batang lalaki sa harapan.  Nakalagay lang naman ang mga kamay nito sa bulsa. Nang matapos suyurin ang unang linya ay pumasok ito sa espasyong nasa pagitan nila. Sila naman ngayon ang sumailalim sa metikoloso nitong pagsusuri.


Nabigla naman siya ng umupo ito sa kanyang harapan. Seryoso itong nakatitig sa kanyang mga mata. Nahintatakutan naman siya at tumungo na lamang.

“Anong pangalan mo totoy?” tanong nito sa kanya


“Alexander po” inosente kong sagot.


“Bakit ayaw mo kong tingnan?”


“Ayaw” yun lang naisagot ko  ng mga panahong iyon.  Masyado lang talagang nakakatakot ang isang heneral para sa akin.


“Alam mo bang bastos pag hindi ka tumitingin sa kinakausap mo... Kinakausap kita” mahinahon pa ring wika nito sa kanya.


Tila yata dumoble ang takot ko at daga sa dibdib. Mabigat man sa loob ko ay awtomatiko akong napatingin dito. Ang inaasahan kong galit na makikita sa mukha nito ay  hindi ko maaninag. Akala ko kasi ay napunta lahat ng galit nito sa mukha dahil sobrang hinahon ng boses nito.


Ngunit wala akong nakitang emosyon.


“Ano uli pangalan mo?” tanong nito sa kanya


“A....Alexander p...poo” medyo nauutal kong sagot


“Sige Alexander magbalot ka na at aalis tayo”


“Po?”


“Ang sabi ko... magbalot ka na at aalis tayo”


Hindi na ko nakaimik ng oras na iyon. Tumungo ulit ako. Lalabas na ako sa ampunan. Makikita ko na ang mundo sa labas.


“Teka paano po ako??” singit ni Angelo sa kanila.


Nabigla naman siya sa sinabi ni Angelo.  Noon kasing nagpaulan ng lakas ng loob sa mundo ay may dala dalang planggana si Angelo.  Pero yun din yung isang bagay na wala siya. Kung nahihingi nga lang talaga ang lakas ng loob.


“Sino ka ba bata?” tanong naman ng Heneral kay Gelo.


“Angelo po Sir! At your service!”


Sandaling pinasadahan ng Heneral si Angelo. Gaya kanina ay kinikilatis din ito. Nang tingnan naman niya si Angelo ay nakangiti ang mokong na parang walang kinatatakutan.


“Sige, kailangan ko ng sabit”


“Ayos!!! Tara na  Lek-lek... ayusin na natin yung mga damit natin doon.”


“O mga bata.. wala ba kayong sasabihin kay General muna?” paalala ng Mamang nila, ang nangangalaga ng ampunan.


“General salamat po!!!!” sigaw ni Angelo.


Ako. Hindi ako umimik. Alam kong naghihintay rin siyang sabihin ko iyon pero hindi ko alam kung dapat nga ba talaga akong magpasalamat sa kanya.  Naging isang malungkot na paraiso ang Sto. Domingo. ngunit hindi ko alam kung magiging masaya rin ba ang mundo ko sa labas.


Sa huli ay hinila na lang ako ni Gelo papuntang kuwarto, ang ibang mga bata naman ay nakatingin sa amin na may halong lungkot at inggit. Ilang beses na kasing pumupunta dito si General at bulong bulungan na rin na  taon-taon ay kumukuha ito ng mga batang aampunin para maging sundalo.


At dun siya natatakot. Hindi siya sanay sa pisikalan.


Hindi siya palakain. Madaling itinatatwa ng kanyang tiyan ang pagkain. Mas magaling siyang uminom ng tubig.  Kapag naglilinis naman sa loob ng ampunan, ang pinupuntirya niya ay ang mga gawain sa loob. Mas ok sa kanya ang maghugas ng pinggan, magwalis sa loob, mag ayos ng kurtina kaysa ang magi-igib ng tubig.


“Diba sabi ko sa iyo! Tayo ang mapipili nung General? Pasalamat ka pinulbuhan kita  kanina kung hindi muntik ka ng hindi makasama hehe”


“Ikaw na lang kaya sumama Gelo? natatakot ako eh”


“Lek-lek, nandito naman ako eh.. Saka parang mabait naman yung Si General.”


“Baka gawin niya tayong sundalo”


“Eh di mas Ok nga diba? Ratatatatattttttt Boom!!!... Astig kaya!” wika nito sa kanya na talagang nagimagine pa na may dalang baril.


“Basta..”


“Its already one thousand and thirty hours” biglang bungad ng isang boses sa kanila.


Lumingon sila at nakita muli ang Heneral. Nakatingin ito sa relong nakapulupot sa kamay. Nag lingunin naman nila ang orasang nakasabit sa dingiding ay nakaita nilang 1:30 na nga pala ng tanghali.


“Binibigyan ko lang kayo ng limang minuto pag hindi pa kayo tapos diyan, dont bother to come with me” matigas na wika nito at maya maya pa ay nawala na sa paningin nila.


Sa totoo lang ay hindi nila alam ang ibig sabihin ng huling sinabi nito. Ingles iyon pero dahil salat sila sa edukasyon ay hindi nila maintindihan. May mga volunteer teachers na pumupunta sa kanila kada sabado pero hanggang dun lang ang nararating nila.


“Uy! bilisan mo na Lek-lek, baka magbago pa isip nun”


Tumalima naman siya at isinilid na ang iba pang mga damit sa maliit na bag. Nang matapos sila ay lumabas na sila ng kuwarto. Nasalubong rin nila ang Heneral at may mga hawak itong papel. Nakita nilang galing ito sa opisina ng kanilang Mamang.


“let’s go” maikli nitong yaya sa kanila at nagpatiuna ang Heneral papuntang kotse nito.


“Alexander....Angelo...” mahinang tawag sa kanila ni kanilang Mamang bago pa man sila humakbang at lumapit sa nagaabang na kotse.


Nang lumingon naman sila ay nakita nilang bahagyang lumuluha ang kanilang Mamang. Napaluha na rin siya. Kung meron mang isang tao na mami-miss niya sa ampunan ay ang kanyang Mamang. Kung pwede nga lang sana ay ito na ang kanyang tunay na Ina. Ito kasi ang nagtatanggol sa kanya sa mga panunukso na nakukuha niya sa ibang bata sa ampunan. Ito at si Angelo.


“Magpapakabait kayo dun mga bata ah? Wag bibigyan ng sakit ng ulo si General?”


Wala na naman akong naisagot sa kanya. Iyak na ako ng iyak ng mga oras na iyon.


“Opo Mamang.. wag po kayong mag-alala.. magpapakabait po kami doon” masayang tugon ni Angelo sa matanda.


Hindi niya na talaga alam kung paano pa nagagawang maging masaya ni Angelo. Alam niyang naging malapit na rin itong si Angelo kay Mamang pero parang masyang masaya pa ito na mapapalayo sa naging Ina nila.


“Oh Alexander... bakit naman umiiyak ang bunsoy ko? Ayaw mo ba noon? Makakasama ka na sa Ilocos”


“Wow taga Ilocos si General? Katabi po ba yun ng Mindanao?” singit na tanong ni Angelo sa kanila.


Bahagya namang natawa si Mamang at saka nagsalita “Nasa taas yun Angelo... diba taga Cebu tayo? Magbabarko muna kayo at saka magbu-bus papunta doon”


“Yes!!! makakasakay na ko ng barko... Lupet!”


“O yan Alexander.. Sasakay na kayo sa totoong barko... Masaya yun!.. Kaya huwag ka ng malungkot” malambing na wika sa kanya ng kanyang Mamang.


“Mamang pwede po bang hindi ako sumama sa kanya? Ayoko po ng barko... Ayoko po sa Ilocos”


“O sige ganito... Pag laki mo.. bumalik ka na lang dito sa Sto Domingo.. Ok ba yun? Hihintayin kita basta ba ipo-promise mo na magpapakabait ka doon? Ok na ba yun?”


“Nandito pa rin ba kayo Mamang?”


“Oo naman... nag promise na nga ako diba?”


Awtomatiko na akong napayakap sa kanya. Naramdaman ko namang yumakap din sa akin si Mamang. Nakakalungkot talaga na mawawalay na ako sa kanya. Ang sama-sama ng loob ko ng mga panahong iyon.


Narinig namin ang malakas na preno mula sa kotse ni General. Parang gusto kong magwala ng oras na iyon. Wala namang tigil sa kakaluha ang mga mata ko. Si Angelo naman ay naka-akbay lang sa akin .


“Sige na hinihintay na kayo ni General... punta na kayo dun sa kotse”


Tumalikod na sila sa kanilang Mamang at naglakad papunta sa kotseng magdadala sa kanila sa Ilocos at palayo sa bahay ampunan.


“Wag ka ng umiyak Lek-lek... Nandito naman ako eh...” pagaalo sa akin ni Gelo.


Hindi na uli ako sumagot. Umakybak na lang ako sa kanya dahil parang sa paglapit namin sa kotse ay inuubos nito ang lakas ko para lumakad ng maayos. Kung maari nga lang ay sa huling minuto na iyon ay tumakbo ako pabalik ng ampunan ay gagawin ko.





Nakaramdam siya ng tapik sa balikat. Lumingon naman siya para tingnan si Thorn Black.


“Natutulala ka na naman” wika nito sa kanya. Kasalukuyan pa rin nilang nilalakad ang pasilyo papuntang opisina ni Master Black.


“How I wish my memories will shut down like a computer”


“It cant be helped. People change but memories dont”


Nakarating na sila sa harapan ng opisina ni Master Black. It was a painted with pure white. Hindi nila kailangang kumatok dahil isa itong programmed entrance patungo sa loob ng opisina nito.


Itinapat niya ang kanyang mata sa isang laser na nasa pinto. Matapos ang ilang segundo ay si Thorn Black naman ang gumawa nito.


“Password needed” wika sa kanila ng pinto. It was a computerized voice of a female.


“Lumanarap” sabay nilang sagot.


Lumanarap is the middle name of their master.


Ilang saglit pa ay nakapasok na sila sa loob.  Nakita nilang nakaupo ito at kaharap ang isang babae. The girl wearing a black uniform of Black Society so he is assuming na may dini-discuss ang mga ito na isang misyon.


“Black Scorpion” wika niya at sumaludo sa kanyang master.


“Thorn Black, Master”


Sumaludo naman ang master na tinutukoy nila. ilang araw na din niya itong hindi nakikita.


“Gentlemen I would like you to meet.. Black Viper, she works at the Intelligence Division”


Marami na ring miyembro ang Black Society pero sa totoo lang ay hindi niya talaga kilala ang mga kabilang rito. Hindi naman kasi kinakailangan na kilala nila ang isa’t isa. They just worked there and became a team kung kinakailangan.


Humarap sa kanila ang babaeng tinutukoy ng kanilang Master. The lady is had a meztiza features. Parang modelo ang tindig nito. Her hair was tied in a ponytail style. Walang gaanog make up ito magkaganun pa man ay lutang na lutang pa rin ang ganda nito.



“Hi... Im Black Viper” pagpapakilala nito sa kanila.


“Wait... there’ something wrong in her voice” sigaw ng utak niya. At para makumpirma ang hinala ay tumawid ang kanyang mata mula sa mukha nito pababa sa leeg ng babae.


Adam’s Apple. Bingo.


“So Black Viper is a transgender. Or maybe just a transvestite” wika ulit ng kanyang utak. Nakapagtataka kung bakit ang mga kagaya nito ay pinapayagang magtrabaho sa loob ng Black Society. Sa kanyang pagkaka-alam ay isang homophobic ang kanilang Master.


Hindi na niya itinuloy ang panghuhusga sa kausap at inilahad na rin niya ang kanyang kamay para magpakilala.


“Black Scorpion” maikli niyang pagpapakilaala sa sarili.


“I actually knew you, the guy with a stingy brains. You are famous in the intelligence unit” pagbati nito sa kanya ng matanggap ang kanyang kamay.


“Im not surprised” there was a slight pride in his voice sa pagtanggap ng papuri nito.


There is annual ranking in their sect. Taun-taon ay kinikilala ang top agents ng Black Society and last year was his turn to shine. He ranked as the most skilled Black Society agent and from there, codename Black Scorpion became a label.


“Thorn Black” pagpapakilala naman ni Angelo.


“And you are the... King of thorns... they said you easily inflict pain to roses”


“Not to a beautiful flower like you” pambobola naman ni Angelo sa kausap.


What Black Viper really means is that Angelo is infamous for being a ladies man. Siguro ay dahil na rin sa hitsura nito. Angelo definitely have the looks. Hindi nga rin niya akalain na ang isang gusgusin at sipunin na kagaya ni Angelo would grow up to be a hunky and yummy beef cake. His hair is always an army cut. Kung dadamitan ito ng pang sundalo ay papasa talaga tong si Angelo. He have this pair of expressive eyes, parang laging kumikinang kahit hindi nakangiti. His thick eyebrows added a masculinity to his face at nagpapalakas ng sexual appeal nito ay ang maninipis na labi nito na nakakahalinang halikan.


“I suppose we are here to work” biglang sabat ni Master Black sa kanila.


Lahat naman sila ay humarap na rito para makinig sa sasabihin nito.


“Have a seat” paunlak nito sa kanila na umupo sa tatlong silyang nasa kanilang harapan ngayon. Parang sinadya talaga at inaasahan na tatlo lang silang magsasama-sama sa misyon. Iyon lang naman talaga ang dahilan kapag tumuntong sila sa loob ng opisina ni Master Black, isang misyon na kailangan nilang suungin.


Naupo sila sa mga silya at humarap sa isang sophisticated board na nakasalpak sa dingding. Hindi niya napansin na may larawan ng isang babaeng nakalagay dito. Parnag pamilyar nga ang mukhang iyon sa kanya ngunit hindi lang niya mahagilap ang pangalan nito sa kanyang memorya.



“This is Anita Saavedra, the owner of Casino Ilocandia” panimula ng kanilang Master Black.


“I knew it” pagsang ayon ng kanyang utak. “Anita Saavedra is one of the brand here in Ilocos, she owns the Casino Ilocandia and rumors say that she will soon have a hotel to rise in Laoag City that will beat Java Hotel, today’s luxurious five star hotel in the orth”


“So what’s the catch with this Saavedra?” tanong niya bigla para maging diretso na kung anuman ang ipapagawa ni Master Black.


“Our client wants Anita Saavedra behind bars” diretso ring sagot nito sa kanya.


“In what grounds?” balik tanong niya. It seems like he is the only one interested in the case. Matiyaga lang na nakikinig si Angelo habang seryoso ring tinitipa ang computer ng Black Viper na ipinakilala sa kanila.


“Its not a secret that a year ago, Anita Saavedra’s spouse named Victor Saavedra who originally owned Casino Ilocandia was brutally murdered”


Tama. Gumugulong pa rin ang imbestigasyon tungkol sa krimeng ito. The death of the Lord of Gamble was a hot topic last year. Ang kamatayan nito ang nagsilbing daan para humalili sa Diyos ang kanyang Diyosa, now Goddess of Gamble is taking in charge of the Casino Ilocandia, Anita Saavedra.


“Wala pa ring sagot ang krimen.. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang paghahanap sa mamamatay tao”


“Are you saying that Anita Saavedra is the murderer?” paguusisa pa niya.


“Exactly”


Napalunok siya sa narinig. “Gaano ba kasigurado ang kliyente na si Anita Saavedra nga ang mismong pumatay sa sarili nitong asawa?.... But then, may motibo nga dahil siguro sa yaman? Pero kung isa silang nagmamahalang pamilya, why would she do that” Sa isiping ito ay bigla na lamang akong tinayuan ng balahibo sa batok. Its the same signal of curiosity that easily sparks within kapag may nakakaharap akong bagong kaso o misyon.


“And how sure is the client that Anita Saavedra is the real killer?” singit bigla ni Thorn Black


“Its kinda silly but the only proof that he is sure is that he sounded so sure..” sagot ni Master Black sa kanila.


“He” so the client is he. “Sino nga ba ang hindi masisilaw ng pera? Many people turn to gold digging para maiangat ang sarili. Mga langaw na tumutuntong sa kalabaw para makaakyat sa alta sociedad. In the end, the old adage proves itself that Money is the root of all evil. Kahit magkapamilya, sinisira ng pera.”


“So what will be the blue print of this?” tanong niya para simulan na nila ang pagpa-plano.


“The client wants a solid evidence that would make Anita Saavedra wear the orange uniform and be convicted with reclusion perpetua. The perfect place of course, is their house located at Calayab, Laoag City”


“I think this is only a piece of cake.. Bakit kailangan na tatlo pa kami na pupunta sa isang misyon?”


“Honestly, isa nga lang talaga ang pupunta sa misyon na ito.. And i would be tapping you.. Black Scorpion”


Bigla namang tumalon ang puso niya sa tuwa. There’s always a life on a death defying situations. Kakaibang karanasan na gigising sa iyong diwa.


“So what are they doing here?” medyo nag-aalangan ko pang tanong. I dont want to sound blatant that day. Baka sabihin nilang maere ako.


“They have their roles... that is why I summon you guys”


“Im listening” wika niya rito para simulan na ang pagpapaliwanag sa kahahantungan ng misyon.


“Ok.. so.. The murder happened last year... January 1 2011. But on the same date of 2010... The private plane of Saavedra crashed. A search and rescue operation was made since the plane landed in the pacific area of the Philippines and a few meters from the shore of Islands abounding that area. Fortunately, the Philipppine Navy located the injured body of Lester Saavedra the older son but Alexis Saavedra’s body was never found”



Sa totoo lang ay hindi niya alam ang insidenteng iyon. Hindi niya rin alam kung anong mga ginawa niya noong taong iyon. That was 2 years ago. Its already year 2012. Marahil ay naipadala siya sa ibang lugar para sa isang misyon. So the Saavedras experienced strings of tragedy.


Patuloy siyang nakinig ng taimtim.


“So the plan will start there, there’s nothing more plausible and a higher chance of getting further evidence if you, Black Scorpion will become a Saavedra” tuloy-tuloy na paliwanag ni Master Black sa kanya.


“So you want me to immortalize Alexis Saavedra? Master... the person you are pertaining is a woman. I think you are being misinformed.” pagsalungat ko sa kanya.


Role playing is one of the vital technique in investigation. Minsan kailangan mong makasama sa mismong krimen, makasama ang mga kriminal para malaman ang buong katotohanan. Sa aking kaso ay iba iba na ang ginampanan ko. I pretended as a janitor, journalist, salesman at iba pa para lamang mapalapit sa kaso. Hindi na uso ang winter jacket at detective hat. It would only draw attention. Malamang sa hindi ay takbuhan ka ng mga kriminal.


“Well I think you are the one who is being misinformed” usig sa kanya ng kausap.


Naguguluhang tiningnan ko si Thorn Black at si Black Viper. Ang mga mata naman nila ay parang nadismaya sa pagiging ignorante ko sa issue. Kanina lang ay para akong Einstein aura na alam halos lahat ng detalye ng sinasabing kaso but now, Im confused. Dahil babae ang ipinapakita ng programmable board.


“Alexis or originally named as Alex Saavedra is gay. A crossdresser to be exact. I thought you knew? But I cant blame you if you recognize him as a woman, after all.. he really look like one.” pagbibigay linaw sa akin ni Black Viper.


Hindi ko na nagugustuhan ang itinatakbo ng diskusyon na ito. “If Alexis Saavedra is a crossdresser then ibig ba nilang sabihin ay kailangan niya ring magdamit pambabae? No way!!!!!” tutol ng isip niya.


Just the thought of what he will look like brings bad memories. Mga pangyayaring naganap sa ampunan.



“No!!!!!!” bigla kong sigaw at talagang napatayo ako sa kinauupuan ko sa pinaghalong galit at pagkabigla. It is the probably the greatest insult that I got in my entire life.


“Im not asking if you can do it Black Scorpion... Im telling you to do it” mariin na sagot na Master Black sa kanya.


Oo nga naman. Sino nga ba siya? A top ranking Black Society Agent. The Black Sccorpion. Dangerously brillant. Skilled. Mysterious and now a crossdresser. All of the adjectives that could best describe him wont take the fact that he doesnt own any part of his life. Nang pumasok ako sa Black Society, hindi ko na pagmamay-ari ang katawan ko.


“Just a little preview, Black viper and I are both surprised that you two look perfectly the same.” pagpapatuloy ni Master Black na parang hindi nangyari ang pagiging pangahas niya para tumutol.


Nakita ko ang aking larawan sa board at ang larawan ng tinutukoy na Alexis. hindi ko rin maitatanggi na magkamukha nga talaga kami. We have the same eyes but his was covered by a colorful eye shadow, we have the same angles of face but his was covered by a foundation.We have the same lips but his was painted with red. I have a short hair his was 1 length black hair. Naputol ang aking pagmumuni-muni ng magsalita muli si Master Black.


“So Black Viper will help you to be acquainted with your newest lifestyle, she knows what to do and both of you will have to live in the same roof and for 2 months, I need to see results. Thorn Black.. Stay put. You need to back up Black Scorpion here that’s why I let you hear the case”


Napatingin ako kay Black Viper, tinanguan naman ako nito Napatingin naman ako kay Thorn Black, alam kong pinipigil lang nitong tumawa. At ang huli kong tiningnan ay ang aming Master at narinig kong nagsalita ito sa huling pagkakataon.


“Before you leave this room, I would like to remind you that you are not Black Scorpion or Alexander anymore.... you are now, Alexis Saavedra.. Keep that in mind and that’s an order”


“Its funny how our name is accidentally synonymous but its the accident that I know I will regret for the rest of my life....” bulong ko sa sarili.

Mabibigat ang mga hakbang na nilisan ko ang kwartong iyon.

11 comments:

  1. wow nandito na rin to :) super ganda ng kwento nito guys :)))) please always support the original author

    ReplyDelete
  2. Hayaan mo na Anon 8:50AM, sa tulad kong first time mabasa ang mga stories dito eh parang bago na rin sa akin ito, though kahit pa medyo boring, imahinasyon lang, o ano pa man ang istorya... salamat, dahil may magnag-e-effort. lol

    ReplyDelete
  3. Ang haba ng story but I like 8.....

    ReplyDelete
  4. ang pangit ng MODEL. parang HIPON lang.. ahahahaha

    ReplyDelete
  5. Ganda. Nxt part na.

    ReplyDelete
  6. i am from laoag city, ilocos norte.. i knew the place..=))

    ReplyDelete
  7. one thousand and 30 hours is 10:30am, not 1:30... :D

    ReplyDelete
  8. nakakairita ha?ok na sana ehhh... pagmag eenglish, just make sure na tama ang grammar...nakakasakit sa ulo ehhh

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pwede naman siguro magkamali LOL.

      Delete
    2. Oa. tolerable naman ang grammar slips niya.
      -raffy

      Delete

Read More Like This